Calendar
Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Arwen National ang mga suspek kabilang ang isang bebot matapos na matimbog ang mga ito sa isinagawang buy-bust operation sa San Miguel, Manila. JONJON C. REYES
3 tiklo sa shabu sa buy-bust sa San Miguel
SWAK sa selda ang dalawang kelot at isang bebot sa inilatag na Anti-Illegal Drug Buy-Bust ng mga tauhan ng Barbosa Police Station Drug Enforcement Unit sa kahabaan ng Rawatun Street, Barangay 648, San Miguel, Manila, madaling araw ng Sabado.
Kinilala ang mga suspek na kabilang sa listahan ng mga high value individual sina Abdulkair alyas Urak, 22, may asawa, Islam, tubong Lanao Del Sur,residente ng Pakabinban Street, Barangay
648, San Miguel, Manila; Nurjannah Darimbang alyas Jannah, 23, babae, Islam, tubong Angeles Pampanga,kasalukuyang nakatira sa Barangay 155 Pakabinban Street, at Muammar alyas Papap,46, may asawa, Islam, tubong Marawi City, at kasalukuyang naninirahan sa Rawatun Street, Barangay 648, San Miguel, Manila.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng MPD Barbosa Police Station14 sa Quiapo, Manila, bandang 4;45 ng madaling araw ng ikasa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Barbosa Police Station sa pamumuno ni PLt.Cleveland Mananghaya hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDET).
Sa isinagawang operasyon, nagpanggap si PSSg Joseph Paragatos bilang poseur buyer. Nakabili ang parak mula sa suspek ng hinihinalang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu.
Narekober sa possession ng suspek ang isa pang karagdagang heat-sealed transparent plastic sachet na may laman na ipinagbabawal na gamot, Kasunod nito, nahuli rin ang dalawa pang suspek matapos masamsam ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit o kulang 11 gramo na may SDP na P74,800.
Nakakulong na ang mga suspek sa nasabing presinto at nahaharap sa kaukulang kaso.

