Asistio

Asistio at Malapitan hinihiling sa NAPOLCOM na maging ganap na police district ang mga kapulisan sa Caloocan

Mar Rodriguez Sep 16, 2025
344 Views

INIHAIN nina Caloocan City Representives Dean Asistio ng 3rd District at Oscar G. Malapitan ng 1st District ang isang resolusyon sa Kamara de Representantes na humihiling sa National Police Commission (NAPOLCOM) na agad na ipag-utos ang agarang reorganisasyon at palilipat ng Caloocan City Police Station bilang isang ganap na Police District.

Sinabi ni Asistio na alinsunod sa itinatakda ng Section 6, Article XVI sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution. Ipinag-uutos nito ang pagtatatag ng national police force na mapapasa-ilalim sa kapangyarihan ng NAPOLCOM.

Ayon kay Asistio, nakapaloob sa isinulong nilang House Resolution No. 209 na ang Northern Police District na mayroong hurisdiksiyon sa Caloocan City, Navotas at Valenzuela na kilala bilang CAMANAVA na may kombinasyon ng 3,021,216 batay sa census na inilabas noong 2020.

Habang ang Caloocan naman, sinabi pa ng kongresista ay mayroong populasyon na 1,661,584 kung saan ang nasabing Siyudad ang pangatlo sa may pinaka-maraming mamamayan sa National Capitol Region (NCR) na sumunod lamang sa Quezon City at City of Manila.

Ipinaliwanag pa ni Asistio na sa kabila ng napakalaking populasyon at malawak na hurisdiksiyon. Tanging ang Caloocan City Police Station ang nagpapanatili o nagmementina ng peace and order sa mga lugar na sakop nito kung saan ay hindi kinakaya ng isang police station ang napakalaking tungkulin dahil narin sa kanilang maliit na kapabilidad.

Dahil dito, hinihiling ni Asistio sa NAPOLCOM upang ang isang payak na police station sa Caloocan City ay maging ganap na Police District.

Naniniwala si Asitio na sakaling magiging isang Police District ang Caloocan City Police. Mas lalo nitonv magagampanan ang paghahatid ng episiyenteng paglilingkod para sa mga mamamayan ng Caloocan.