Calendar
Source: File SC photo
PINAKAMARAMING FUTURE ABOGADO KUMUHA NG 2025 BAR EXAM
IBINALITA ng Korte Suprema (SC) na pumalo sa 11,425 ang nakatapos ng 2025 Bar examinations—ang pinakamataas na bilang ng mga finishers sa kasaysayan ng Philippine Bar.
Mula sa kabuuang 13,193 na aplikanteng tinanggap, matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na pagsusulit na nagtapos nitong Linggo, Setyembre 14 at isinagawa sa 14 na testing centers sa buong bansa.
Ipinahayag ng Bar chairperson ngayong taon, si Associate Justice Amy Lazaro-Javier, na naging maayos ang buong pagsusulit at walang naitalang aberya. Nagpasalamat din siya kay Chief Justice Alexander Gesmundo at sa iba pang miyembro ng Korte Suprema sa kanilang suporta.
Kinumpirma rin ng Korte Suprema na si Associate Justice Samuel Gaerlan ang magiging tagapangulo ng susunod na Bar examinations.

