Calendar
Karma is real -Rep. De Lima
“LINTEK lang ang walang ganti”.
Ito ang mensaheng mistulang nais iparating ni neophyte Mamamayang Liberal (ML) Party List Representative Leila M. de Lima para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos nitong ikatuwa ang pagsasampa ng kaso ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) laban sa dating lider kaugnay sa madugo at madugong war on drugs campaign nito.
Dahil dito, pagbibigay diin ng Party List Lady solon na ang isinampang kaso laban kay Duterte ay isang mahalagang hakbang upang papanagutin ang dating Pangulo sa mga nagawa nitong atraso sa mga Pilipino kabilang na dito ang brutal at madugong patayan sa sarili nitong balwarte sa Davao City at sa buong bansa.
Pagbibigay diin ni De Lima na ang kasalukuyang kinasasapitan ng dating Pangulo ay isang napakahalagang yugto sa kasaysayan ng bansa sapagkat hinahabol na siya ng katarungan para papanagutin sa lahat ng mga naging kasalanan nito sa mamamayang Pilipino partikular na ang mga inosenteng tao na walang habas na pinaslang ng mga Davao Death Squad (DDS).
“This serves as a milestone in the process of exacting accountability for the crimes committed in Davao City by the DDS and during the drug war all over the Philippines by the so-called national network of death squads both created and organized by Mayor then President Duterte,” sabi ni De Lima.
Sinabi din ni De Lima na “karma is real” dahil kung ano ang ginawa ni Duterte sa kaniyang mga kalaban ang siyang nararanasan nito ngayon kabilang na umano siya (De Lima) na matatandaang ipinakulong ng walang sala at inakusahan ng mga gawa-gawang ebidensiya.

