Antique Airport

300 pasahero capacity ng bagong Antique airport

Jun I Legaspi Sep 29, 2025
372 Views

MALAPIT nang buksan ang bagong Antique Airport na may lawak na 2,224 square meters ang passenger terminal building at kayang mag-accommodate ng mahigit 300 pasahero kumpara sa lumang airport na 64 lang ang passenger capacity.

Kabilang sa mga bagong pasilidad ng terminal ang mas maluwag na departure at arrival area, mga check-in counters, mga toilets, lactation rooms at mga facilities para sa mga may kapansanan.

Inaasahang mai-inaugurate ng Department of Transportation ang bagong Antique Airport ngayong 2025 sa tulong nina Sen. Loren Legarda at Rep. Antonio Agapito “AA” Legarda.

“Dapat ito ang maging pamantayan ng lahat ng pagpapahusay sa mga paliparang rehiyonal sa bansa.

Ganito dapat ang standard—maluwag, kumpleto ang pasilidad para sa mga pasahero, at accessible sa lahat, lalo na sa mga may kapansanan,” sabi ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez.