Calendar
1 month rice import ban ipinatupad ng DA
MAPAPALAWIG pa ng 30 araw ang import ban sa bigas, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang import ban, ayon sa kalihim.
Posibleng hanggang katapusan ng taon ang import ban subalit depende sa sitwasyon dahil bumagsak na naman ang presyo ng palay.
Binanggit pa ng kalihim na may mga hakbang ang ahensiya na inaprubahan ng Pangulo.
“Maglalabas tayo ng executive order na pagbabawal ng pagbili ng government, local government unit at iba pang government offices ng imported rice para makatulong sa ating rice farmers, “ani Tiu Laurel.
Binunyag pa nito na may posibilidad na itaas uli ang taripa pagkatapos ng ban at merong ilalabas na floor price sa palay.
Layunin ng naturang emergency government procurement na patatagin ang presyo ng palay na apektado ng masamang panahon at bumper harvest, na mga dahilan ng epekto ng dalawang buwan na rice import ban.
Ayon kay Tiu Laurel, tumaas sa P14 kilo kada kilo ng farmgate price, ilang linggo bago ipatupad ang import freeze noong Setyembre 1 mula P8-10 kada kilo.
Simula ng panahon ng ani, bumagsak ang presyo sa pre-import ban level at sa ibang bahagi ng Northern Luzon, na kung saan maraming nasirang pananim dahil sa ulan at baha.

