Rep. Romualdez

Romualdez tinawag na walang bago, walang katotohanan speech ni Escudero

303 Views

TINAWAG ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang privilege speech ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na isang isang political maneuver na naglalayon umanong ipakita ang kanyang loyalty kay Vice President Sara Duterte para sa kanyang personal na interes sa 2028 elections.

“I listened to the privilege speech of Sen. Chiz Escudero. With respect, what we heard was not an exposé but a DDS script — the same recycled accusations we have long on troll pages and social media posts. Walang bago, at wala ring katotohanan,” ani Romualdez, na dating Speaker.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang talumpati ni Escudero ay pagpapakita ng kanyang katapatan kay Vice President Duterte bilang bahagi ng kanyang pagpaplano sa eleksyon sa 2028.

“It was a performance designed to profess loyalty and service to Vice President Sara Duterte, and to position himself as her ally for 2028. Ang tunay na pinagsisilbihan ay hindi ang katotohanan, kundi ang sariling interes at plano sa politika,” aniya.

Iginiit ni Romualdez na wala siyang itinatago at handa siyang humarap sa anumang patas na imbestigasyon.

“For my part, I will continue to cooperate with every impartial investigation. My record can withstand scrutiny. Wala akong itinatago. As for Sen. Escudero, kung tunay na pananagutan ang hanap, sa presinto na siya magpaliwanag,” sabi niya.

Ayon sa dating lider ng Kamara, sa halip na sagutin ng direkta ni Escudero ang mga alegasyon sa kanya ay inililiko nito ang isyu at sinisisi ang iba.

“Instead of answering the serious questions he himself must face, Sen. Escudero chose to deflect. He did not deny the allegations against him. He did not explain his own role in flood-control kickbacks. Imbes na magpaliwanag, nanisi siya,” dagdag niya.

“Malinaw naman ang katotohanan: ang talumpati ni Sen. Escudero ay hindi tungkol sa pananagutan, kundi para isulong ang kanyang personal na ambisyon,” dagdag pa ni Romualdez.