Calendar
Source: Cebu People’s Action Center
Panawagan mula Senado: Agarang tulong sa Cebu
ITO ang panahon ng pagbabayanihan.
Ito ang panawagan ng maraming senador kung saan ay nagpahayag sila ng pakikiramay at nanawagan ng mabilis na pagtugon ang mga ito matapos ang 6.9-magnitude na lindol na yumanig sa hilagang Cebu nitong Martes ng gabi. Kabilang sa kanilang panawagan ang masusing pagsusuri sa kaligtasan ng mga gusali, paghahanda laban sa mga sakuna, at agarang ayuda para sa mga naapektuhang pamilya.
Binigyang-diin ni Senator Sherwin Gatchalian ang pangangalaga sa mga mag-aaral at guro. “The 6.9-magnitude earthquake that struck Cebu is a stark reminder that children are the most vulnerable in times of disaster… conduct thorough inspections of school buildings, suspend the use of unsafe facilities, and provide psychosocial support to both learners and teachers.”
Samantala, iginiit ni Senator Jinggoy Estrada ang pagpapatupad ng Ligtas Pinoy Centers Act upang matiyak ang matitibay at ligtas na evacuation facilities sa buong bansa. “Ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pakikiramay sa ating mga kababayang Cebuano… muli nating ipairal ang diwa ng bayanihan… Nais ko ring gamitin ang pagkakataong ito upang ipanawagan ang agarang pagpapatupad ng Republic Act No. 12076 o ang Ligtas Pinoy Centers Act…”
Nanawagan din si Senator Chiz Escudero ng mas maigting na aksyon mula sa pamahalaan at masusing inspeksyon sa mga gusali at imprastruktura. “Ipinaabot ko ang aking taos-pusong pakikiramay… mahalagang tiyakin ang agarang pagtugon mula sa pamahalaan para sa search and rescue hanggang sa tulong para sa mga nawalan ng tirahan at mahal sa buhay… muli kong iginigiit ang panawagan para sa mas mahigpit na inspeksyon sa mga gusali at imprastraktura sa buong bansa.”
Nag-ulat naman si Senator Risa Hontiveros na nagsimula na ang relief operations, kabilang ang pagdadala ng malinis na tubig sa Cebu Provincial Hospital sa Bogo City. “ang aming team ay pumunta na po sa Cebu Provincial Hospital para mag-deliver ng dalawang truck ng tubig… Patuloy tayong nagdarasal para ating mga kababayan sa Cebu,” ani Hontiveros.

