Kelot na may 2 boga nasakote

Bernard Galang Oct 4, 2025
249 Views

TALAVERA, Nueva Ecija–Inaresto noong Biyernes ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Nueva Ecija Provincial Field Unit (PFU) ang 46-anyos na lalaki dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril sa Brgy. Burnay ng bayang ito.

Kinilala ang suspect na si alyas Bahel, ayon kay Col. Grant Gollod.

Laglag si Bahel dahil sa Oplan Paglalansag Omega program ng Nueva Ecija police.

Ayon kay Col.Gollod, nasamsam kay Bahel ang 2 unlicensed .9mm pistols, 2 magazines sa .9mm; anim na live rounds ng ammunition; at P1,000 marked money.

Kakasuhan ang suspek ng pahlabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.