Calendar
Insentibo, permanenteng trabaho para sa mga guro, isinusulong ni Vargas sa Kamara
BILANG pagpupugay sa malaking sakripisyo at kontribusyon ng mga guro kaugnay sa selebrasyon ng National Teacher’s Day. Isinusulong ni House Deputy Majority Leader at Quezon City Representative Patrick Michael “PM” D. Vargas na mapagkalooban ng nararapat na benepisyo at kahalintulad nitong insentibo ang mga public school teachers sa buong bansa.
Sinabi ni Vargas na bilang consistent advocate ng edukasyon sa bansa. Inihain nito sa Kamara de Representantes ang dalawang mahalagang panukalang batas upang agad na matugunan ang agarang concern sa hanay ng mga guro sa lahat ng pampublikong paaralan kabilang dito ang Distant Public School Teachera Incentive Bill.
Ayon kay Vargas, layunin ng naturang panukala na mapagkalooban ng buwanang monthly allowance ang mga guro na nakatalaga o nakadestino sa mga liblib na paaralan sa iba’t-ibang lalawigan sa Pilipinas.
Sinabi ng kongresista na ang panukalang ito ay bilang pagkilala sa malaking sakripisyo ng mga guro sa pamamagitan ng pagbibiyahe ng malayo patungo sa kanilang destinong paaralan, pagkakawalay sa kanilang pamilya at ang kawalan ng sapat na resources sa lugar na pinaglagyan sa kanila.
Ang Plantilla Position for Volunteer Teachers Bill naman, ipinaliwanag pa ni Vargas ay naglalayong magkaroon at gumawa ng permanent plantilla position para sa mga guro na nakapagsilbi na ng limang taon at nagtuloy-tuloy sa kanilang pagtuturo.
“Learning outcome are function of resources and facilities. When teaching personnel are short and employment is not just a bureaucratic concern, they affect students, communities and the morale of our teachers,” wika ni Vargas.
Ipinahayag pa ng mambabatas na noong nakalipas na 2022 at 2023. Bumaba ang bilang ng mga public school teacher personnel sa 38,000 kabilang dito ang teaching related at non-teaching staff.
Kasabay nito, sabi pa ni Vargas na iniulat ng Department of Education (DepEd) na batay sa kasalukuyang school year. Tinatayang nasa 150,000 ang kakulangan sa hanay ng mga guro maging ito man ay volunteers o isang contractual.
Dahil dito, sinabi pa ni Vargas na kaya ito ang layunin ng kaniyang isinulong na panukalang batas upang mapunan ang kakulangan ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
To God be the Glory

