CNSC

Paggamit ng Filipino sa opisyal na transaksiyon ng CNSC isinakatuparan

144 Views

CNSC1CNSC2CNSC3CNSC4CNSC5CNSC6UPANG higit na maisapanahon ang kakayahan ng mga unibersidad at kolehiyo sa iba’t ibang rehiyon, naglunsad ng Webinar sa Korespondensiya Opisyal (WKO) ang Camarines Norte State College (CNSC) sa pagtataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino noong Setyembre 18-18,2025. Dinaluhan ng humigit 50 na kinatawan mula sa iba’t ibang opisyal at kawani ng mula sa CNSC Office of the President, CNSC OVPAA, CNSC OVPAF, CNSC GCO, CNSC PPD, CNSC Registrar’s Office, CNSC OBS, CNSC PICRO, at CNSC Supply. Kabilang dito ang Nanunungkulang Pangulo, Kgg. Edgar P. Aban, Pangalawang Pangulo sa Ugnayang Pang-akademiko, Kgg. Dolores C. Volante, at ang Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, Dr. Rose Ann Dela Paz-Aler.

Binigyang-diin ng Tagapangulo ng KWF, Atty. Marites A. Barrios-Taran, ang pagtalima sa Atas Tagapagpaganap 335 at ang paggamit ng wikang Filipino sa araw-araw bilang mga lingkod bayan.

Tampok sa WKO ang intensibong pagtuturo ng Ortograpiyang Pambansa, paggawa ng memorandum, resolusyon, liham, at iba pang opisyal na komunikasyon na ginagamit sa serbisyo publiko.

Gayundin, sa unang pagkakataon, ipinalabas ang lektura ni G. Jaime Enage na may layuning pagyamanin ang Baybayin bilang pambansang panulat ng Pilipinas. Ibinahagi rin sa mga kalahok ang mga senyas gamit ang Filipino Sign Language ng karaniwang bati sa Pilipinas.