Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
PRO 4A cops inaresto 43 pugante
Jojo Cesar Magsombol
May 16, 2026
299
Views


CAMP VICENTE LIM, Calamba City–Kalaboso ang 43 pugante sa 24 oras na manhunt ng Police Regional Office (PRO) 4A noong Mayo 13.
Sabay-sabay na sinalakay ng mga pulis ang iba’t-ibang kuta ng mga suspek sa ilalim ng direktiba ni PRO 4A director PBGen. Hansel Marantan.
Nahaharap ang mga naaresto sa mga kasong murder, rape, estafa at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay bahagi ng focused agenda ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. upang linisin ang mga komunidad laban sa kriminalidad, ilegal na droga at sugal.
“Tunay na nararamdaman ng ating mga kababayan ang bunga ng ating masigasig at walang humpay na kampanya.
Patuloy nating paiigtingin ang ating operasyon upang mapanatili ang kapayapaan,” ani Marantan.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

