Mister

Mister nakorner sa pagkamatay ng misis, sanggol, katulong

Christian Supnad May 16, 2026
21 Views

STA. CRUZ, Zambales–Nasakote na noong Sabado ang mga pangunahing suspek, na ang isa’y asawa ng biktima, sa pagpatay sa tatlo katao noong Disyembre 4, 2024 sa Brgy. San Vicente, Baguio City noong Mayo 15.

Natagpuang patay si Dra. Metra, ang 3 buwang gulang na anak at ang kanilang katulong sa Purok Maralucap, Brgy. Pagatpat, Sta Cruz, Zambales.

Ayon kay Col. Benjamin Ariola, police director, lumutang ang isang testigo na kumilala sa mga suspek.

Ang testimonya ng testigo ang isa sa mga susi upang mapagtagpi-tagpi ang mga pangyayari sa naturang krimen.

Sinampahan ng kasong parricide ang mga suspek.

Nasakote ang isa pang suspek sa Purok Barracuda, Brgy. Pagatpat, Sta. Cruz, Zambales na mahaharap rin sa kasong parricide bilang co-conspirator at murder para sa iba pang biktima.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta Cruz MPS ang mga suspek habang ihihahanda ang mga kaukulang dokumento ng kanilang mga kaso.