DOT

Yorme Isko, DOT may collab para paunlarin turismo sa Maynila

Edd Reyes Oct 9, 2025
293 Views

MAGSASANIB-puwersa ang Maynila at Department of Tourism (DOT) para paunlarin ang turismo sa lungsod.

Ito ang napagkasunduan ng magtungo si DOT Secretary Christina Garcia-Frasco sa tanggapan ni Mayor Isko Moreno Domagoso noong Huwebes na layuning palakasin ang ugnayan ng national government at pamahalaang lungsod sa pagtataguyod ng turismo.

“Manila is one of our gems in tourism. Kaya naman makikipagtulungan ang ahensiya sa pamahalaang lungsod upang lalo pang palakasin ang mga programang pang turismo,” pahayag ni Secretary Frasco.

Tinanggap ni Mayor Isko ang anumang alok ng DOT sa pakikipagtulungan na magpapasigla sa turismo sa lungsod at tiniyak ang kanyang pakikiisa sa DOT.

Magugunita na isa sa mga hinihirit ni Mayor Isko ay mapayagan ang pamahalaang lungsod na magkaroon ng usufruct o karapatang magamit ang Intramuros golf course habang pinapanatili ang ganda nito upang maging open green space na higit na mapakikinabangan, lalo na ng mga nakatatanda.