Budget

Pag-alis sa unprogrammed appropriations sa ’26 budget dapat–Sen. Ping

272 Views

SUPORTADO ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson sina Senate President Vicente Sotto III at finance committee chairman Sen. Sherwin Gatchalian sa pagtanggal ng unprogrammed appropriations sa 2026 budget, maliban sa pondong kailangan para sa foreign-assisted projects.

Binigyang-diin ni Lacson ang mga ulat na tinanggihan ng Kamara nitong Biyernes ang mungkahing bawasan ang P250-bilyong unprogrammed appropriations.

Ayon umano kay House appropriations chairperson Rep. Mikaela Suansing, hindi kayang alisin ng gobyerno ang pondo para sa foreign-assisted projects.

Kinumpirma niya at ng kanyang staff na may mga flood control project na ginamitan ng unprogrammed funds.

“Ang usapan namin wala nang unprogrammed appropriations sa 2026 budget. Ang papayagan na lang ang foreign-assisted kasi kailangan talaga yan. Pero ang iba alisin na natin,” sabi ni Sen. Lacson.

Nanawagan si Lacson ng “self-restraint” sa mga mambabatas at hinihikayat ang institutional imbes na individual amendments at pagtiyak na galing sa konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan ang mga proyekto.

Tutuon si Sen. Lacson sa 2026 budget deliberations matapos magbitiw bilang Blue Ribbon chair.