Phivolcs Phreatic eruption ng Bulusan Volcano sa Sorsogon noong Abril 28, 2025. Photo mula sa Phivolcs/PNA

Seismic activity ng Bulusan Volcano tumaas

333 Views

NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng posibleng “steam-driven or phreatic eruptions” sa Bulusan Volcano sa Sorsogon.

Ito ay matapos makapagtala ng pagtaas ng seismic activity sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, nasa 72 volcanic earthquakes ang naitala ng Bulusan Volcano Network (BVN) simula 12 ng hatinggabi nitong Sabado, Oktubre 11.

Paliwanag ng ahensiya, ang mga volcano-tectonic earthquakes na ito ay nauugnay sa rock fracturing at nangyayari sa halos na may lalim na 10 kilometro sa hilagang sektor ng bulkan.

“Degassing activity from the active vents ranged from very weak to weak when the volcano was visible for the past days,” sabi ng Phivolcs.

Sinabi ng ahensiya na ang sulfur dioxide o SO2 emission ay naitala sa average na 31 tonelada bawat araw noong Oktubre 9, na mas mababa sa baseline na 200 tonelada bawat araw.

Ang mga aktibidad na ito ay nagpapahiwatig ng mababaw na hydrothermal activity sa ilalim ng bulkan.

Nanatili pa rin ang Alert Level 1 sa Bulusan Volcano, gayunman dahil sa ipinamamalas ng bulkan ay maaari itong sumabog nang biglaan at walang babala, dagdag ng ahensiya.