Calendar
Calapan naglunsad ng quake drill
CALAPAN CITY–Nagsagawa ang Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Department ng earthquake drill noong Oktubre 17 para tiyakin na handa ang mga tao kung may magaganap na lindol.
Siniguro ng ahensya na muling maipaalala sa mga estudyante ng Holy Infant Academy ang nararapat na gawin sakaling maranasan ang lindol.
Dahil maghapong nasa paaralan ang mga kabataan, dapat lang, ayon kay Calapan City Mayor Doy Leachon, na alam ng mga estudyante kung ano ang dapat nilang gawin upang manatiling ligtas.
Ilang lamang sa mga itinuro ay kung paano mabilis na makalilikas at saan lugar dapat magtungo kung lumulindol.
Paalala pa ni DRRM Officer Dennis Escosora, hindi lang duck, cover and hold ang dapat gawin kundi mahalaga rin ang kooperasyon at koordinasyon ng bawat isa upang maging handa at ligtas.

