Calendar
Deputy Speaker Paolo Ortega V
Ortega binuweltahan si Pulong: Fake quote, fake issue
ITINANGGI ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union noong Biyernes na siya ay naglabas ng anumang bagong statement laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, at tinawag niyang “fabricated and malicious” ang umano’y online post na binanggit ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa kanyang mga pahayag.
“It has come to my attention that a fabricated statement, falsely attributed to me, is circulating online,” ani Ortega. “I want to clarify that I have not issued any recent statement ― official or otherwise ― regarding former President Rodrigo Roa Duterte at any event.”
Ito ay bilang tugon sa pahayag ni Pulong Duterte na diumano’y iniiwas ni Ortega ang atensyon ng publiko mula sa isyu ng flood control sa pamamagitan ng pagbatikos sa dating pangulo.
Ayon sa lider ng Kamara mula La Union, malinaw na ang akusasyon ay nakabatay sa maling impormasyon.
“In recent weeks, I have repeatedly been made the subject of fake news and fabricated posts intended to mislead and confuse the public,” dagdag ni Ortega. “My team is taking steps to trace the sources of these malicious claims and hold them accountable.”
Nanawagan din siya sa publiko na maging “cautious and discerning when reading or sharing information online,” at ang paalala niya sa lahat ay “rely only on credible news outlets and verified official social media pages for accurate information.”
“Let us remain vigilant against the spread of falsehoods and uphold truth, accountability, and integrity in public discourse,” pahayag ni Ortega.
Binigyang-diin ng Deputy Speaker na dapat manatiling nakatuon ang atensyon sa facts at transparency kaugnay ng isyu sa flood control, at hindi sa mga panlilihis na nakabatay sa kasinungalingan.

