Martin Dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Romualdez binira mga maling paratang; itinangging may kaugnayan sa Maharlika Fund

316 Views

ITINANGGI ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng Leyte ang anumang kaugnayan sa operasyon o pamamahala ng Maharlika Investment Fund, at tinawag na “false and baseless” ang mga ulat online na nag-uugnay sa kanya sa naturang state-run investment vehicle.

“I join the Maharlika Investment Corporation (MIC) in completely denouncing the false and baseless allegations published by certain online sources,” pahayag ni Romualdez.

Nilinaw ng dating Speaker na hindi siya kailanman nakilahok sa anumang talakayan o pagpupulong kaugnay ng naturang pondo.

“I have never had any discussion, meeting, or communication with any individual regarding investments, advisory roles, or management decisions involving the Maharlika Wealth Fund,” giit niya.

Dagdag pa ni Romualdez, ang mga ulat na nag-uugnay sa kanya sa mga gawain ng Maharlika ay “entirely unfounded, misleading, and malicious.”

Nauna nang nagbabala ang Maharlika Investment Corporation, na nangangasiwa sa kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa, laban sa disimpormasyon na layong sirain ang kredibilidad ng pondo at ng mga opisyal nito.