Calendar
Cellphone ng pasahero umusok sa loob ng LRT-1
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pagkakaroon ng usok sa loob ng bagon ng LRT-1 Miyerkules ng gabi sa northbound platform ng Central Terminal na kaagad nilang naaksyunan.
Alas-10:02 ng gabi ng mangyari ang insidente na ayon sa LRMC ay isa lamang isolated case na nagmula sa mobile phone ng isang babaing pasahero.
“We understand that the passenger, acting out of panic due to the sudden emission of smoke from her mobile phone, immediately left the phone on the floor and quickly moved away,” nakasaad sa opisyal na pahayag ng LRMC.
Mabilis naman ang naging aksiyon ng train driver na kaagad dumampot at nag-alis ng umuusok na mobile phone para maiwasan ang anumang kaguluhan habang kaagad namang tumulong ang mga security officer.
Bilang pangunahing hakbang, kaagad na pinababa muna sa naturang istasyon ang mga pasahero upang masuring mabuti ang train kung may nasira o kahina-hinala pang bagay na naiwan.
“We are pleased to report that the incident had no major effects on the overall operations of the LRT-1. The response by LRMC personnel underscores our commitment to maintaining a safe, reliable, and smooth journey for all commuters,” pahayag pa ng LRMC.

