Calendar
Source: PTV
Sec. Lopez hanga sa NAIA T3
NAG-inspeksyon noong Huwebes si acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 upang masiguro ang kahandaan ng paliparan sa pagdagsa ng mga pasahero sa undas.
Kasamang nag-ikot ni Secretary Lopez sina San Miguel Corp. chairman at CEO Ramon Ang, New NAIA Infra Corp. Vice President Cecile Ang, NNIC General Manager Angelito Alvarez, Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Raul Del Rosario at Deputy Director General Danjun Lucas.
Nagpasalamat si Secretary Lopez kay Chairman Ang at sa NNIC dahil sa mabilis na pagsasaayos at pagpapaganda ng airport para komportable ang mga pasahero.
“Sobrang handa na ang airport para sa Undas. Mas magiging convenient na sa pasahero ang pagcheck-in at bag drop dahil magiging self-service na. Sampu na rin ‘yung bukas na restaurant dito sa kanilang food terminal,” sabi ni Secretary Lopez.
Siniguro ng kalihim na hindi na mauulit ang New Year airspace shutdown noong 2023 dahil kumuha na ng bagong equipment at new uninterruptible power supply (UPS) units para sa Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) ng CAAP.
Nag-ikot si Secretary Lopez, Chairman Ang at iba pang opisyal sa mga pasilidad ng Terminal 3 kasama ang mga departure at check-in area, self-service kiosks at self bag drop counters, mga opisina ng pamahalaan sa loob ng airport, Collins Passenger Reconciliation System (PRS), bagong food hall at sa general aviation lounge.
