BBM1

SONA speech si PBBM ang nagsusulat

242 Views

SI Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. umano ang nagsusulat ng kanyang speech para sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Ayon kay Executive Secretary Vic Rodriguez gumagawa sila ng mga hakbang upang makahanap si Marcos ng oras para matapos ang kanyang speech.

“He’s the one writing his Sona message, and he will be very busy. Yesterday (Thursday) we tried to relax his schedule so he can write,” sabi ni Rodriguez. “But this afternoon (Friday), he has devoted it until the weekend, until morning of Monday to finalize his SONA message.”

Sinabi ni Rodriguez na bahagi ng magiging laman ng SONA speech ng Pangulo ang mga napag-usapan sa unang tatlong Cabinet meeting ng administrasyon.

“It’s all about our economy, the economic plans. With the face-to-face opening of this coming school year, it’s all about COVID response,” dagdag pa ni Rodriguez.

Mababanggit din umano ang isyu ng food security na nakatuon sa pagpapalago ng lokal na produksyon ng pagkain.