LTO

LTO: Mag-ingat sa pekeng LTMS portal website

614 Views

MAHIGPIT na pinaaalalahanan ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko sa kumakalat na pekeng Land Transportation Management System (LTMS) Portal website.

Ang pekeng website na ito ay isang uri ng Phishing Scam na karaniwang matatanggap mula sa isang text message na naglalaman ng pekeng abiso patungkol sa diumanong pagkakahuli o pagkakaroon ng traffic violation, at may kalakip na link na magdidirekta sa nasabing pekeng LTMS Portal Website.

Bilang paglilinaw, ang LTO ay hindi nagpapadala ng text message na naglalaman ng link patungkol sa inyong traffic violation.

Upang masiguro na angkop at lehitimo ang inyong ginagamit na website, bisitahin lamang ang mga sumusunod na link:

– LTMS Portal Official Website: https://portal.lto.gov.ph/ords/f?p=1200:HOME::::::
– LTO Official Website: https://lto.gov.ph/
– LTO Official Facebook Page: https://www.facebook.com/LTOPhilippines

Kung sakaling makatanggap ng kahina-hinalang mensahe, huwag pindutin ang kalakip na link, at agad itong i-report sa AksyON THE SPOT sa numerong +63 929 292 0865.