Valeriano

Valeriano pinapurihan si PBBM dahil sa pagiging batas ng Anti-POGO Act of 2025

Mar Rodriguez Oct 30, 2025
318 Views

OducadoPINAPURIHAN ng Chairman ng House Committee on Public Order and Safety na si Manila 2nd Distroct Representative Rolando “CRV” M. Valeriano si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcis, Jr. dahil sa paglalagda nito sa Republic Act No. 12312 o ang Anti-Philippine Offshore Gaming Operations Act of 2025.

Pagbibigay diin ni Valeriano na ang pagiging ganap na batas ng RA No. 12312 o ang pagba-ban ng online gambling ay maituturing na tagumpay ng Kamara de Representantes laban sa laganap sa online gaming.

Sinabi din ni Valeriano na ang nilagdaang batas ng Pangulong Marcos, Jr. ang magsisilbing momentum ng mga kongresista upang ipag-pursige nila ang pagsasabatas ng House Bill No. 1455 na kasalukuyang nakabinbin sa Kamara na nagba-ban naman sa talamak na online cockfigting na mas kilala bilang “E-sabong” at kahalintulad nitong online gaming na sanhi ng pagkalulong ng napakaraming Pilipino.

Iginigiit ng kongresista na panahon na upang puksain at lansagin ang napakasamang implikasyon ng online gambling sa bansa sa pamamagitan ng tuluyang pagba-ban sa naturang sugal partikular na ang online sabong na maging ang mga kabataan ay nahuhumaling dito.

Ipinaliwanag ni Valeriano na ang simpleng pagre-regulate lamang sa online gambling ay katumbas ng pagpapahintulot na magpatuloy parin ang naturang sugal sa gitna ng napakaraming buhay at moralidad ng mga Pilipino ang unti-unti nitong winawasak.

“We are not alone in the crusade against the evil manace of online gambling. Merely regulating online gambling let this evil manace persist at destroying Filipino lives and families,” sabi ni Valeriano.

Hindi sapat ang pag-regulate:

Ipinahayag naman ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado na hindi na bastante ang pagpapatupad ng regulation para sa online gambling katulad ng online sabong sapagkat masyado na umanong malala ang problema at kinakailangan na talaga itong ipagbawal.

Binigyang diin ni Oducado na nang dahil sa online sabong, napakaraming kabataan ang nasisira ang kanilang kinabukasan bunsod ng sobrang pagkalulong nila sa online sabong habang ang iba namang mananaya ay nauubos ang kanilang kabuhayan dahil sa pagkagumon sa E-sabong.