Luxury Cars

2 di rehistrado l๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ซ๐ฒ c๐š๐ซ๐ฌ ๐ง๐š ๐๐ข ๐ซ๐ž๐ก๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐ญ๐š. ๐‘๐จ๐ฌ๐š, ๐‹๐š๐ ๐ฎ๐ง๐š, ๐ง๐š๐ฌ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ซ๐ณ๐จ๐ง ๐ž๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ซ๐ฌ

827 Views

NASITA ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON sa pamumuno ni Regional Director Elmer J. Decena ang dalawang luxury cars โ€” isang 2022 Ford Mustang 2.3L EC Coupe at isang 2022 Ford Mustang 5.0L V8 Coupe โ€” sa isinagawang joint operation ng LTO Cabuyao District Office at Philippine National Police โ€“ Highway Patrol Group (PNP-HPG) Laguna ngayong Oktubre 31, 2025, sa kahabaan ng Sta. Rosaโ€“Tagaytay Road, Sta. Rosa City, Laguna.

Kasabay ng pagpapatupad ng DOTrโ€“LTO Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2025, nagsagawa ng inspeksyon ang mga awtoridad upang tiyakin ang pagsunod ng mga motorista sa umiiral na batas trapiko. Sa naturang operasyon, nadiskubreng walang rehistro ang dalawang nabanggit na sasakyan.

Dahil dito, binigyan ng Temporary Operatorโ€™s Permit (TOP) ang mga driver at kinumpiska ang kanilang mga lisensya dahil sa paglabag sa Section 2.A ng Joint Administrative Order No. 2014-01.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang naturang operasyon ay nagpapakita ng patuloy na determinasyon ng ahensya na tiyaking nasusunod ang batas trapiko, lalo na ngayong Undas kung kailan tumataas ang bilang ng mga bumibiyahe sa mga pangunahing lansangan.

โ€œAng hakbanging ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DOTr Acting Secretary Giovanni Z. Lopez na paigtingin ang kampanya laban sa mga iligal na gawain sa kalsada.

Walang sinuman ang dapat mauna sa batasโ€”anumang uri o halaga ng sasakyan, lahat ay kailangang sumunod para sa kaligtasan ng publiko,โ€ pahayag ni Asec. Lacanilao.

Patuloy ang LTO CALABARZON sa pagpapatupad ng mga batas at sa pagsusulong ng ligtas, disiplinado, at maayos na biyahe para sa lahat ng motorista, lalo na ngayong Undas kung saan marami ang bumibiyahe patungo sa kani-kanilang mga probinsya.