Undas Ang mga eksena sa paligid ng Manila North Cemetery. Kuha ni JonJon Reyes

Undas ’25 sinalubong ng mahal na bulaklak

Jon-jon Reyes Oct 31, 2025
389 Views
Undas1
Ang mga eksena sa paligid ng Manila North Cemetery. Kuha ni JonJon Reyes

HALOS dumoble ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa flower market kasabay ng pagdiriwang sa Undas sa Nov. 1 at 2.

Huwebes pa nagsimulang tumaas ang presyo ng ilang bulaklak sa Dangwa na kilalang bilihan ng mga bulaklak sa Maynila.

Ilan sa mga dahilan ng mga tindera sa pagtaas ng presyo ang pagtaas din ng presyo ng paghango nila ng mga bulaklak sa Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Marikina at Valenzuela.

Nasa P100-P250 na ang itinaas sa presyo depende sa laki ng bulaklak at sa arrangements.

Sa carnation, P250 ang 10 stems; sa Malaysian mums P450-P600 na ang 12 pieces; P120 naman ang Peruvian Lily para sa 12 stems.

Ayon sa mga nagtitinda mas tumatagal ang buhay ng bulaklak kung nakatusok sa foam na may tubig

Samantala, isinara na ang Dimasalang at Blumentritt Sts. sa mga motorista.

Maging ang Manila South Cemetery ay isinara na rin sa P. Ocampo extension at JP Rizal at South Avenue.