Labbao

PRO 4A may bagong hepe

24 Views

Labbao1

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna–Nagsimula na sa trabaho si Police Brigadier General Dominic Labbao Baccay bilang bagong director ng Police Regional Office (PRO) 4A.

Panauhing pandangal sa turnover ceremony si P/MGen. Wilson Joseph Lopez, deputy chief for operations ng PNP, kasama ang mga matataas na opisyal at mga lokal na stakeholders.

Inilatag ni Baccay ang kanyang adbokasiyang “PRO 4A B.E.S.T.” (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, at Transform Trust) na magiging gabay sa kanyang pamumuno.

“Sa aking pamumuno, bibigyan natin ng kahalagahan ang self-development at professional growth ng bawat tauhan, ugnayan sa pamilya at komunidad, pati na rin ang agresibong implementasyon ng Peace and Order Program laban sa ilegal na droga, sugal, at iba’t ibang kriminalidad,” sabi niya.