Awareness

Mga batang kawatan 2x ninakawan ginang

Steve A. Gosuico Jul 12, 2026
34 Views

PALAYAN CITY–Nanakawan ang ginang ng hindi bababa sa P70,000 coins sa kanilang tindahan ng tatlong menor-de-edad na suspek.

Ayon sa ginang, dapat pag-aralan kung dapat ibaba sa 10-taon gulang ang threshold ng mga dapat kasuhan ng kriminal.

Sinabi ni Faye Azarcon Estremos na nangyari ang pagnanakaw noong Hulyo 2025 at naulit noong isang linggo at ang may kagagawan mga batang menor-de-edad din na nanloob sa grocery ng tiyo niya.

“History really repeats itself. Exactly a year ago, we experienced this nightmare, and ngayon, nangyari na naman.

This time, sa grocery store ng tito ko naman. To make things worse, sinira pa lahat ng CCTV camera para walang maiwang ebidensya.

Ang mas masakit isipin, mga menor-de-edad pa rin.

Nakakapagod at nakakatakot isipin na after everything that happened before, wala pa ring natutunan.

I just hope justice is finally served this time. No family deserves to go through this twice!!!”

Naging paulit-ulit lamang po ang sistema dahil alam nila wala sa kanila ang mananagot.”