Marilou Cayco, bagong kongresista ng Batanes
Nov 29, 2026
Girlash papansin mashado
Nov 29, 2026
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Calendar
Provincial
P374K na shabu nasamsam sa 4 na hinihinalaang tulak sa Taytay
Jojo Cesar Magsombol
Nov 14, 2025
617
Views
APAT na hinihinalang tulak noong Miyerkules ang nasakote sa San Miguel compound sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Kinilala ang mga nahuli na sina alyas Modesto, Dan, Jefrey at Roel.
Bandang alas-10:50 ng gabi nagsagawa ng anti-criminality operations ang intel operatives ng Taytay police na nagresulta sa pag-aresto sa mga
suspek.
Nakumpiska sa isa sa mga suspek ang 55 na gramo ng shabu na may value na P374,000.
Nakakulong sa custodial facility ng Taytay police ang mga nahuli.
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026

