Calendar
Dating Senate President Juan Ponce Enrile
Romualdez: Pamana ni Enrile patuloy na gagabay sa mga mambabatas
IPINAGLUKSA ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng Leyte noong Huwebes ng gabi ang pagpanaw ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, ang chief presidential legal counsel ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., at inilarawan siya bilang isang towering statesman na ang mahabang serbisyo publiko ay nagbigay direksyon sa pamamahala ng Pilipinas nang maraming dekada.
Ayon kay Romualdez, nag-iwan si Enrile ng bakas sa major political at policy milestones na tumagal ng ilang dekada.
Inilarawan niya ang dating Senate President “as a figure whose discipline, sharp legal mind, and command of national issues earned him respect even from those who differed with him politically.”
Nagbigay galang si Romualdez sa hindi matitinag na dedikasyon ni Enrile sa serbisyo publiko, at binigyang-diin na “the former Senate President’s presence in national debates consistently raised the level of discussion.”
Habang ipinagdarasal ang pamilya Enrile, sinabi ni Romualdez na ang pamana ng dating Senate President ay patuloy na gagabay sa mga mambabatas habang humaharap sila sa mga pinakamahirap na desisyon para sa bansa.
Para kay Romualdez, “Enrile’s long life in public office stands as a testament to resilience and duty―qualities that younger generations of leaders must strive to uphold.”
Dagdag pa niya, ang mga ginawa ni Enrile sa larangan ng batas, pamamahala, at paggawa ng batas ay patuloy na magiging bahagi ng institusyonal na alaala ng bansa.
Habang dumarating ang mga pagpupugay mula sa iba’t ibang sektor ng politika, Romualdez “encouraged reflection and unity, saying such moments underscore the need for service guided by principle and responsibility.”
Si Enrile, isa sa mga pinakamahabang naglingkod sa kasaysayan ng politika ng Pilipinas, ay nag-iwan ng pamana ng dekadang serbisyo na patuloy na nakakaapekto sa mga pambansang patakaran at reporma sa mga institusyon, ayon kay Romualdez.
Ang kanyang pagpanaw, sabi ni Romualdez, “is felt not only in the halls of the Senate and the House of Representatives but across a country that witnessed his many roles in public life.”

