Away

Lalaki pinagkakadyot, todas

Edd Reyes Nov 17, 2025
208 Views

TODAS ang lalaking sunud-sunod na tinarakan ng patalim ng lalaking naghamon ng away sa kanya noong Linggo sa San Pedro, Laguna.

Hindi na umabot ng buhay sa Gavino Alvarez Narra Lying Clinic si alyas Jordan sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan

Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si alyas Ryan dakong alas-9:30 ng gabi sa bahay ng kanyang kaanak.

Sa ulat ng San Pedro City Police Station, palabas na ng bahay si alyas Jordan dakong alas-5:40 ng hapon nang sumulpot ang suspek at hinamon ng away ang biktima ng wala namang dahilan.

Hindi pinansin ng biktima ang paghahamon at sa halip nagpatuloy sa paglalakad hanggang habulin at abutan sa Brgy. Riverside at doon pinagsasaksak hanggang sa duguang bumulagta.