Calendar
al-Khobar Pinoys pinasaya ng DMW, OWWA
NANG-entertain ng mahigit 1,200 overseas Filipino workers (OFWs) sa al-Khobar sa 2nd leg ng Bagong Bayani ng Mundo: OFW Serbisyo Caravan noong Nobyembre 21.
Sa video-recorded message ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinasalamatan niya ang mga manggagawang Pinoy sa kanilang sakripisyo at pagpupunyagi, kasabay ng pagtiyak ng buong suporta at prayoridad ng pamahalaan para sa kanilang kapakanan at proteksyon.
Pinangunahan ang caravan ng Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, at Philippine Embassy in the Kingdom of Saudi Arabia kasama ang Department of Social Welfare and Development, DMW-National Reintegration Center for OFWs, DMW-Migrant Workers Office Eastern Region Operations, Philippine Statistics Authority, PhilHealth, Pag-IBIG Fund, Land Transportation Office, Social Security System at Land Bank of the Philippines.
Binuksan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang ika-17 Caravan.
“Gusto ko lang sabihin mula sa ating mahal na Pangulo, Ferdinand Marcos Jr. dinaraos po nating itong serbisyo caravan kasi simple lang ang mensahe at direktiba sa amin ng ating mahal na Pangulo, continue to serve our OFWs and OFW families,” ayon kay Secretary Cacdac.
Ipinakilala ng kalihim ang bagong serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng eGOVPH.
Ayon kay Secretary Cacdac, mahalaga ang pagpaparehistro sa DMW dahil kailangang matukoy ang kanilang kinaroroonan upang agad na matugunan ang kanilang pangangailangan at para magamit ang datos para sa “research and policy.”

