Remulla

PBBM nagtalaga ng mga bagong Undersecretary sa DOJ

Hector Lawas Aug 4, 2022
247 Views

NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga bagong undersecretary sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga bagong talaga ay sina Jesse Andres, dating chief of staff ni dating vice president Noli de Castro; Geronimo Lim Sy; at Jose Ragus Cadiz Jr.

Ang tatlo ang pumalit kina dating Undersecretary Adrian Sugay, Emmeline Aglipay-Villar, at Jon Salvahan.

Mananatili naman sa puwesto si Usec. Deo Marco, samantalang si Nicholas Ty na dating assistant secretary ay ginawa na undersecretary.