Gambling

Pasig ipinagbawal lahat ng gambling ads

Arlene Rivera Dec 8, 2025
435 Views

BAN na sa Pasig ang lahat ng gambling advertisements at promotions bilang bahagi ng kampanya ng syudad laban sa pagsusugal.

Sinabi ni Mayor Vico Sotto na nakasaad lahat sa City Ordinance No. 26 s-2025 ang pagbabawal sa lahat ng billboards at signages tungkol sa pagsusugal sa buong Pasig.

Kasama sa mga bawal lagyan ng gambling ads ang mga public utility vehicles na regulated ng local government gaya ng tricycles, pedicabs at PUV terminals.

Bawal din maglagay ng gambling ads sa mga buildings anumang LED screens.

Bawal din mamahagi ng gambling ads sa mga leaflets, brochures at flyers.

Hindi lang bawal maglagay ng gambling ads sa premises ng mga casinos at betting outlets.

Bawal mag-sponsor ang anumang gambling business ng educational, sports, concert, cultural, religious or art event.

“May mga bagay na hindi na sakop ng kapangyarihan ng local government unit (LGU), lalo na kung national/online ang pinaguusapan, pero malaking hakbang na rin ang pagbabawal ng advertisement nito sa ating lungsod.

Bakit? Ang dami ko nang nakita na nalulong at nasira ang buhay dahil sa mga active-play gambling games. Kung kusang hanapin ito ng isang tao, desisyon niya yun; pero ibang usapan naman yung maya’t maya hinihikayat ka pabalik doon ,” sabi ni Sotto.

Pasig City ang unang city na nag-ban ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at computer gambling shops (e-games).

“Ngayon, masaya ako dahil banned na rin ang POGO sa buong Pilipinas at meron pa ngang na-convict na dahil sa mga kaugnay nitong krimen,” sabi ng alkalde.