Calendar
Tinalakay sa Senado ni Sen. Erwin Tulfo nitong Disyembre 9, 2025 ang pagbibigay ng habangbuhay na validity ng identification cards sa mga taong may permanenteng kapansanan. Napag-alaman ng senador na ang mga taong may kapansanan ay pabalik-balik sa mga ayensha ng government katulad ng DSWD at iba dahil may kakulangan sa dokumento sa kanilang ID. Halimbawa ng may permanenteng kapansanan ang mga taong putol ang paa, at walang kamay Samantala, pinaliwanag ni DSWD Assistant Secretary for Information and Communications Technology Johannes Paulus Acuna kay Se. Tulfo ang sistema ng pagbibigay ng valid ID sa mga taong may Permanent Disability. JOSEPH MUEGO
PWD IDs dapat lifetime na–Sen. Tulfo
NANAWAGAN si Sen. Erwin Tulfo na gawing lifetime na ang bisa ng Persons With Disabilty (PWDs) identification cards para sa mga Pilipinong may kapansanan.
Kapag lifetime ang bisa ng PWD cards, maiibsan din ang paulit-ulit na pagproseso sa mga tanggapan ng pamahalaan at mabigyang-daan ang mas mabilis na serbisyo para sa mga aplikanteng nangangailangan pa ng pagsusuri.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development noong Martes, sinabi ni Tulfo na mahalagang gawin itong lifetime para sa kapakanan ng mga may kapansanan.
“Providing lifetime validity for IDs for those with permanent disabilities is an act of respect.
It acknowledges the truth of their condition, reduces administrative barriers, and allows government resources to be redirected to those who need evaluation the most,” sari ni Tulfo.
Isinusulong niya ang Senate Bill No. 1405 na nag-aamyenda sa Magna Carta for Persons with Disability upang gawing habambuhay ang bisa ng IDs ng mga may napatunayan nang permanenteng kapansanan.
Ipinaliwanag ni Tulfo na para sa maraming pamilya—lalo na sa maralitang sektor at malalayong lugar—ang pag-renew ng ID ay dagdag gastos sa pamasahe, oras sa pila, at araw ng hindi pagpasok sa trabaho.
Binanggit niyang matagal nang inirereklamo ng mga PWD group ang hindi pare-parehong patakaran sa renewal at ang kakulangan ng accessible facilities na lalo pang nagpapabigat sa mga pamilyang may limitadong kita at mga maliliit na negosyo na umaasa sa tuloy-tuloy na pag-avail ng benepisyo.
“This is an opportunity for us to recognize that our policy reflects our values. When we make their IDs lifetime valid, we send a powerful and compassionate message,” sabi ng senador.
“This reaffirms the government’s commitment to inclusivity, social justice, and the full participation of persons with disabilities in the society. This is a small but meaningful step toward respecting PWDs’ rights, easing their burdens, and streamlining public service,” sari ni Sen. Tulfo.

