Calendar
Chief of police ng Narvacan bago na
NARVACAN, Ilocos Sur–Bago na ang officer–in-charge ng pulisya ng bayang ito sa katauhan ni Lt. Reynald Ramos.
Tinawag ng ilan na “kawalan ng San Juan, panalo ng Narvacan” ang pagkakatalaga sa tinyente bilang OIC ng Narvacan police.
Matagal na deputy chief of police si Lt. Ramos sa San Juan hanggang sa siya ay binigyan ng break ni Col. Agosto Asuncion, police director, para maging hepe ng Narvacan PNP station.
Gustong pigilan ng mga local officials si Lt. Ramos para manatili sanang deputy COP na San Juan ngunit mas higit na kailangan siya sa Narvacan.
Dating Altar Boy si Ramos na mas kilala sa tawag na Bong sa mga kamag anak at kaibigan.
Sa panayam ng media, sinabi ni Ramos na aayusin niya ang napabayaang PNP station building dahil bukod sa hindi masyadong malinis marami nang dapat palitan gaya ng bubong at iba pa.

