Huli

Lumabag sa Firearms Regulation Act timbog

Edd Reyes Dec 11, 2025
254 Views

NATIMBOG kamakailan ng mga pulis ang lalaking nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act o RA 10592 ilang dipa lang ang layo sa Bicol International Airport sa Daraga, Albay.

Isinagawa ang pag-aresto ng magkasanib na puwersa ng Daraga police Station at Aviation Security Unit sa bisa ng warrant of arrest ng hukuman laban sa kanya.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVEGROUP) Director P/BGen. Dionisio Bartolome, Jr., pansamantalang isinailalim sa kostudiya ng Daraga police Station ang akusado para sa wastong dokumentasyon.

“Through decisive operations and strong partnership with local authorities, AVSEGROUP projects security beyond airport grounds, safeguarding every community and upholding the rule of law,” pahayag ni P/BGen Bartolome Jr.