Dumagat Nanguna sa gift-giving si General Tinio Mayor Sherry Ann Bolisay (gitna) sa mga katutubong Dumagat sa Brgy. Rio Chico noong Huwebes.

Aginaldo ibinigay sa mga Dumagat sa NE

Steve A. Gosuico Dec 13, 2025
249 Views

GENERAL TINIO, Nueva Ecija–Binigyan ng aginaldo noong Huwebes ang mga katutubong Dumagat sa bayang ito, ayon kay Mayor Sherry Ann Bolisay.

Ayon kay Mayor Bolisay, isinagawa ang gift-giving sa Brgy. Rio Chico kasama ang ilang pulitiko sa lugar.

“Kayo ang unang binigyan ng regalo ng munisipyo. Ito ay alay ng malasakit at pag-asa para sa ating mga kababayan,” sabi ng alkalde.

Noong Biyernes, pasimuno si Bolisay sa programang “Physical Fitness Gen. Tinio Day Care,” isang Christmas thanksgiving party sa mga guro, nanay ng mga batang enrolled sa daycare.

Inanunsyo ng mayor ang mga aktibidades ng SHERbisyong Bayan para sa 12 days of Christmas ngayong 2025.

Tampok sa programa ang walang puknat na gift-giving mula Disyembre 2 hanggang sa Pasko, Dec. 25.

Benepisyaryo ng programa ang mga indigents, senior citizens, mga guro at staff sa pampubliko at pribadong paaralan, mga opisyal ng barangay at miyembro ng TODA, mga persons with disabilities (PWDs) at solo parents.

Nakalinya din sa Disyembre 15 ang inter-faith cultural presentation 2025 at ang Simbang Gabi-Salubong ng Banda.

Pinananabikan din ang “Papaya’s Pride-LGBTQ+ Cultural Night” sa Disyembre 17 at ang LGU Cultural Night sa Disyembre 19.