Farmer

DA chief: Magsasaka dapat matulungan

Cory Martinez Dec 14, 2025
302 Views

INATASAN ni Agriculture Secretary Tiu Laurel Jr. ang mga opisyal at empleyado ng ahensiya na pabilisin kung paano susuportahan ng mga ahensya ng gobyerno ang mga magsasaka at mangingisda.

Sa pagtatapos ng inaugural meeting ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Council na ginanap kamakailan, sinabi ni Tiu Laurel na hindi katanggap-tanggap ang pagkaantala.

“Dapat nating bilisan,” sabi ng DA chief sa mga miyembro ng ahensiya ng gobyerno na kinabilangan ng Department of Trade and Industry, Department of Interior and Local Government, Department of Finance at ang Cooperative Development Authority, gayondin sa apat na kinatawan ng pribadong sektor.

Tampok sa kanyang mga direktiba ay palawakin ang direktang pagbili ng gobyerno mula sa mga accredited na farmers’ and fisherfolk’s cooperatives and enterprises (FFCEs), na aniya ay mahalaga upang mapatatag ang kita.

“Ang pagpapalaki ng operasyon ay siyang ibinibigay ng negosyo sa matatag na demand na kanilang kailangan,” aniya.

Inatasan din ni Tiu Laurel ang mga ahensiya ng DA na palakasin ang ugnayan ng mga pamilihan, at iginiit na gumamit na ng updated na producer supply maps upang pag-ugnayin ang producers at buyers sa parehong public at pribadong sektor.

Binigyang-diin nito ang muling pagbuhay sa Food Terminal Inc. (FTI), at muling ibinalik ang mandato na direktang pagbili sa mga magsasaka ng may maliit lamang na diperensiya at pagsasaayos sa logistics gaps.

“Ibinabalik namin ang FTI sa dati nitong sigla,” aniya.

Kinumpirma ni Tiu Laurel na muling ibabalik ng DA ang extension workforce simula sa susunod na taon, at magpapakalat ng tinatayang 12,000 personnel.

Ang panukalang batas na inisponsoran ni Sen. Francis Pangilinan ang muling pagbabalik ng Bureau of Agricultural Extension, na susuporta sa implementasyon ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program sa ilalim ng Sagip Saka Act.

Ang pagpopondo ay dapat na paganahin, sa halip na abalahin ang paglago. Hinimok nito ang Agricultural Credit Policy Council at mga nagpapautang sa gobyerno tulad ng Land Bank at DBP na simplehan ang credit access para sa mga matatag na negosyo.

“Mayroong pera, Kailangan lang nating paghusayin ang ating mga kilos,” sabi ng kalihim.

Tinapos nito ang kanyang panawagan para sa mas madalas na monitoring ng konseho – buwanan ang minimum – upang panatilihing tumutugon ang mga programa sa mga kundisyon sa labas. “Hindi na makapaghintay ang ating mga magsasaka at mangingisda,” aniya at hinimok ang mga ahensya na kumilos ng mabilis at may disiplina.