Magsino

OFW Party List nagpaabot ng pakikiramay para sa mga nasawi at nasaktan sa pamamaril sa Sydney, Australia

Mar Rodriguez Dec 20, 2025
275 Views

𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 ng taos pusong pakikiramay at pakikidalamhati ang OFW Party List group para sa pamilya at kamag-anak ng mga nasawi at nasaktan sa nangyaring walang habas na pamamaril kamakailan sa Bondi Beach sa Sydney, Australia.

Bagama’t nauna nang ipinagpasalamat ni dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino na walang Pilipino ang nasaktan o namatay sa naturang malagim na insidente.

Subalit nagpaabot parin ito ng kaniyang taos pusong pakiki-simpatya para sa mga naulila ng mga nasawi at pamilya naman ng mga nasugatan.

Hinihiling din ni Magsino sa mamamayang Pilipino ang pag-aalay ng panalangin para sa napakaraming biktima ng naganap na “mass murder” sapagkat hindi kayang tumabasan ang sakit at hapding kasakukuyang nararamdaman ng pamilya ng mga nasawi at nasaktan sa insidente.