Magsino

Pamamahagi ng BOC sa mga natenggang balikbayan boxes ikinagalak ng OFW Party List

Mar Rodriguez Dec 20, 2025
252 Views

𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 nang kagalakan si dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino matapos ang ginawang anunsiyo ng Bureau of Customs (BOC) na sisimulan na nito ang paghahatid ng mga natenggang balikbayan boxes na ipinadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWS).

Dahil dito, muling iginiit ni Magsino na ang mga balikbayan boxes na ipinapadala ng mga OFWs para sa kanilang pamilya ay mula umano sa kanilang dugo’t-pawis at katas ng kanilang napakalaking sakripisyo para lamang mabigyan ng kaginhawahan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ni Magsino na noong pa lamang 19th Congress ay ipinaglalaban na ng OFW Party List ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga ipinapadalang balikbayan boxes ng mga OFWs sa gitna ng nangyayaring nakawan sa laman ng mga nasabing kahon kung saan ito ay garapalang binabawasan at kadalasan ay hindi nakakarating sa mga recipients.

Ayon sa dating kongresista, pinasikapan nilang maipasa sa third reading sa Plenary session sa Kamara de Representantes ang “Balikbayan Boxes Act” habang ipinaglaban naman ng OFW Party List na maibigay ang humigit 10,000 balikbayan boxes sa pamilya ng mga OFWs mula sa Manila, Cebu, Davao sa pakikipag-tulungan nito sa Department of Migrant Workers (DMW) at BOC.

Ipinabatid naman ng BOC na tinatayang 130,000 balikbayan boxes ang matagal ng naiwan sa 144 container vans.