Oducado

Panukala inihain ni Oducado para gawing regular ang mga casual, contractual gov’t employee

Mar Rodriguez Dec 22, 2025
226 Views

π—œπ—‘π—œπ—›π—”π—œπ—‘ ni TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado ang isang panukalang batas sa Kamara de Representantes na naglalayong gawing regular ang mga casual at contractual government employee matapos ang kanilang limang taong pagse-serbisyo.

Sa ilalim ng House Bill No. 6960 na isinulong ni Oducado, nais nito na magkaroon ng awtomatikong Civil Service Eligibility (CSE) ang mga casual at contractual employee na tumagal ng limang taon sa kanilang paglilingkod sa gobyerno.

Ipinaliwanag ni Oducado na nakapaloob din sa kaniyang panukalang batas na mapagkalooban ang mga kuwalipikadong empleyado ng pamahalaan ng karapatan para sila ay makakuha ng benepisyo, security of tenure at career opportunities bilang bahagi ng Civil Service.

Sinabi ng kongresista na kung tutuusin ay nakakaawa aniya ang kalagayan ng mga casual at contractual workers sapagkat hindi nila tinatamasa ang mga benepisyong natatanggap ng mga regular at appointed government employees kagaya ng paid leaves, thirteenth month pay at security of tenure.

“Unlike regular or appointed government employees, casual and contractual workers do not enjoy benefits such as paid leaves, thirteenth month pay and security of tenure,” wika ng mambabatas.

Pagbibigay diin ni Oducado na ang limang taong paglilingkod sa pamahalaan bilang casual o contractual employee ay sapat na upang patunayan ng mga nasabing empleyado na sila ay kuwalipikado para maging regular at makatanggap din ng mga benepisyo kagaya ng tinatanggap ng mga regular na manggagawa.

“Five years of casual or contractual employment is more than enough to prove that the employee is capable of regular employment and the benefits their peers and colleagues enjoy,” sabi pa nito.