Malakanyang kay Duterte: Hallucination lang yan!
Nov 18, 2024
PH nakasungkit ng 2 parangal sa TripZilla Awards ’24
Nov 18, 2024
Calendar
Nation
2.99M Pinoy walang trabaho noong Hunyo—PSA
Peoples Taliba Editor
Aug 10, 2022
165
Views
NASA 2.99 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay 6 porsyento umano ng populasyon at mas mataas sa 2.93 milyong na tinatayang walang trabaho noong Mayo.
Mas maliit naman ito sa 7.7 porsyento o 3.77 milyong walang trabaho noong Hunyo 2021.
Ang employment rate naman noong Hunyo ay 94 porsyento o tinatayang 46.59 milyon tumaas ng 508,000 kumpara noong Mayo.
Ang underemployment rate naman noong Hunyo ay naitala sa 12.6 porsyento o 5.89 milyon, mas maganda kumpara sa 14.5 porsyento o 6.67 milyon noong Mayo at sa 14.2 porsyento o 6.41 milyon noong Hunyo 2021.
Malakanyang kay Duterte: Hallucination lang yan!
Nov 18, 2024
Kaso vs Duterte kaugnay ng EJK cases sa war on drugs
Nov 17, 2024