Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nation
FVR nailibing na
Peoples Taliba Editor
Aug 10, 2022
514
Views
NAIHATID na sa kanyang huling hantungan si dating Pangulong Fidel V. Ramos, ang ika-12 Pangulo ng bansa.
Si Ramos ay inihimlay sa Libingan ng mga Bayani katabi ang isa pang dating Pangulo—si Elpidio Quirino.
Dumalo sa libing si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakitang sumaludo kay FVR.
Si Ramos ay binigyan din ng full military honors na may 21-gun salute. Siya ay dating chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines at kalihim ng Department of National Defense.
Kinikilala si Ramos sa kanyang nagawa upang muling buhayin ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa kanyang mga ipinatupad na polisiya.

