Rep. Momo

Rep. Momo pinuri si Speaker Dy

Mar Rodriguez Dec 29, 2025
352 Views

PINURI ni Surigao del Sur Rep. Romeo Momo, Sr. si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III matapos pagtibayin ng Kamara de Representantes ang 12 priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago ang Christmas break ng mga kongresista.

Sinabi ng kongresista na ang pagpapatibay ng House leadership sa 12 mahahalagang panukalang batas na priority ng LEDAC ay nagpapakita lamang kung gaano ka-seryoso ang Kongreso na gampanan ang tungkulin nito bilang “legislative body”.

Hinimok ni Speaker Dy ang kaniyang mga kapwa mambabatas na ipagpatuloy ang paglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng pagpasa ng mga mahahalagang batas na makakatulong at mapapakinabangan ng mamamayang Pilipino.

Ang isa sa mga priority bills na inaprubahan ng Mababang Kapulungan ay ang House Bill No. 6789 kung saan si Momo ang principal author ay naglalayong itatag ang Department of Water Resources (DWR).

Nauna nang ipinaliwanag ni Momo na ang pinaka-objective ng kaniyang panukalang batas ay maging pangunahing ahensiya ang DWR na mangangalaga sa pagsasa-ayos ng supply ng tubig sa buong bansa.