Sen. Tito

Sen. Tito: Patronage politics, epal iwasan natin

213 Views

BINIGYANG-diin ni Senate President Vicente Sotto III ang kahalagahan ng mga probisyon laban sa “epal” sa 2026 national budget upang maiwasan ang patronage politics.

“Very important para mawala yung issue ng patronage politics,” sabi ni Sotto.

Sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act, ipinagbabawal ang paglalagay ng pangalan, larawan o posisyon ng mga opisyal sa mga proyektong pinondohan ng gobyerno.

Kasama rito ang mga ayuda, tulong medikal, at proyekto sa imprastraktura.

“We will be exercising oversight functions… so we can at least try to achieve that particular percentage of anti-corruption.

Every now and then dapat may team na oversight yung Committee on Finance kung paano ginagastos, saan ginagastos, magkano na ang nagastos,” sabi ni Sen. Sotto.

Tungkol naman sa mga paratang na may mga insertions sa budget, sinabi ni Sotto, “I’m not too familiar with that particular issue… Ang tanong, may SARO ba? Na-release ba? May NCA ba? Alam ng DBM.”

Nilinaw rin niya na hindi sapat ang listahan ng mga proyekto ng DPWH. “Hindi DPWH, DBM. The DPWH should be able to say kung alin ang nagawa o hindi,” sabi niya.