Suspek

Suspek sa gahasa ng ‘bata’ timbog sa Taguig City

Edd Reyes Jan 3, 2026
333 Views

TIMBOG sa inilunsad na manhunt operation ng pulisya ang Top 5 Most Wanted Person (MWP) sa Metro Manila nang matunton sa kinaroroonang lugar Biyernes ng hapon sa Taguig City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Taguig Police Chief PCol. Byron Allatog ang pagdakip kay alyas “Leonardo” sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Disyembre 9, 2025, ni Taguig Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Loralie Cruz-Datahan ng Branch 69 sa kasong statutory rape na walang inirekomendang piyansa.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) Director PBrig. Gen. Randy Arceo na mahalaga ang mabilis na aksiyon ng Taguig police laban sa mga wanted na kriminal, lalo na ang mga nasasangkot sa pang-aabuso sa menor de-edad na kabataan, dahil walang puwang ang kanilang masamang gawain sa lipunan.

Kasalukuyang nakapiit sa Custodial Facility ng Taguig Police Station ang akusado habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Taguig City Jail.