Suspek

Suspek sa panggi-gripo sa Sta. Cruz, Laguna tukoy na

Roy Tomandao Jan 13, 2026
220 Views

STA. CRUZ, Laguna — Natukoy na ng kapulisan ang suspek sa pananaksak na naganap sa Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna noong Enero 4, 2026.

Ito ay inanunsyo sa isang press conference na isinagawa bandang ika-9 ng umaga noong Enero 13, 2026 ng Santa Cruz Municipal Police Station, sa pangunguna ni PLTCOL Jojo I. Sabeniano.

Dumalo rin sa naturang aktibidad ang Punong Bayan ng Sta. Cruz na si Joseph Kris Benjamin B. Agarao, kasama ang iba’t ibang kinatawan ng media.

Sa press conference, tinalakay ng mga awtoridad ang detalye ng insidente ng pananaksak na naganap sa Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna at ang mga hakbang na isinagawa upang matunton ang suspek.

Ayon sa pulisya, sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon at pagtutulungan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, mga opisyal ng barangay, at mga concerned citizen, matagumpay na nalocate at natukoy ang indibidwal na sangkot sa krimen.

Patuloy pa rin ang isinasagawang follow-up investigation ng mga awtoridad upang matiyak ang agarang pag-usad ng kaso at ang pananagutan ng suspek alinsunod sa batas.