Suspek

Suspek sa pagpatay, nakatakas; tiklo pagkatapos ng 37 taon

Edd Reyes Jan 16, 2026
263 Views

TIMBOG ang 57-anyos na puganteng may kasong murder noong Huwebes sa Caloocan City 37 taon matapos tumakas mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan.

Nadakip ang pugante dakong alas-5:30 ng hapon ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz at mga tauhan ng Bureau of Corrections-National Capital Region sa Saint Peter St. Brgy. 186, Caloocan.

Ayon kay BGen. Dela Cruz, nakatakas at nakapagtago ng mahigit tatlong dekada ang suspek.

Nagpasalamat si Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa NPD na nanguna sa pagdakip sa pugante.