Chinese

Kasong estafa haharapin ng may red notice na Chinese

Jun I Legaspi Jan 16, 2026
236 Views

NA-intercept kamakailan ng Bureau of Immigration (BI) agents ang Chinese national na may Interpol red notice dahil sa estafa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Hinahanap kaugnay ng kasong estafa ang suspek na si Xiao Chaoying, 49, ayon kay Peter de Guzman, hepe ng BI Interpol Unit.

Dumating si Xiao sakay ng Cebu Pacific flight mula Hong Kong. Matapos makumpirma ang alerto, agad na nakipag-ugnayan ang BI Interpol Unit sa NCB Manila upang makakuha ng kopya ng warrant of arrest.

Ayon sa reklamo, ang akusado, kasama ang iba pa, ay nanloko umano sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga postdated checks kahit alam na walang sapat na pondo, na nagresulta sa tinatayang P30 milyon pinsalang pananalapi pinansyal.

Matapos ang interception, pormal na isinailalim si Xiao sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) upang harapin ang kasong nakasampa laban sa kanya.